Tuesday, 8 November 2011

Dito na ako sa Canada … may snow pala!

Oh.... di bah.... nasa Toronto na ako...in my accommodation... nagrerelak... am so happy to have been able to jump ship as soon as my cotract in Taiwan ended....i will like it here.... . tapos, sabi sa akin ng Mambulaoans WorldWide Buzz, i-feature ako sa inaugural edition nito na lalabas on Friday... wow... celebrity!

Dito ako sa HK, on my way to Canada, Oct 30, 2011 ... nag-iisa at walang kasama ... kaya pa-picture picture na lang ako pang FB ... habang hinihintay ko yung flight tonight.

By LEILANI C. ENCINAS
Batch '96
Toronto, Ontario, Canada


TIMING talaga ang dating ng visa ko!

Biro mo, Best Friend ... halos tapos na ang aking two-year contract duon sa Taiwan last month, sa isang electronics factory, nang biglang dumating ang good news: Pupunta na daw ako sa Canada … wow!!!

Andyan na ang visa ko … Hanep … Canadian na ako …!

Well, sa totoo lang, Best Friend, desperado na ako kasi, yun nga, wala pang news doon sa aking inaplayang care-giving job.

What to do …? Balik-metro manila na naman ako… pero okay lang… dahil may konting ipon naman ako dahil okay dito sa company namin sa Taiwan… okay boss ko…

Ang totoo eh, doon ako nag-apply sa Taiwan for Canada… sabi nga nila – mabilis ang pag-okey dito. 
Nagkataon naman kasing may training ako sa caregiving at De Los Santos College sa Pinas at ang plinano ko na mag-aaply ako – PAG- nakalusot ako sa Taiwan… eh yun nga .. nakalusot ako… kaya apply agad ako for Canada as care-giver as soon as I was settled in Taiwan.

Ngayon, heto na ako dito sa Canada (Toronto), medyo ginaw na ginaw, at tipong magugustuhan ko dito.

Sabi nga ng boss kong Taiwanese: Leilani… okay sa Canada… bright future … I wish you the best of luck and success. Oww, di bah?

Hahaha… sana magdilang lalaking angel siya (si boss …) kasi naman para matupad na ang pangarap ko para sa aming family ... gusto ko rin namang makitang nag-improve kami after working together... erpat ko sa abroad din - Kuwait, yung isang brother kong pang-third sa family, ganoon din... yung sister ko na youngest nag nanursing... medyo madugo itong course na ito...tapos mama ko, secretary sa Parish ng Larap... then itong isang brother ko after me may family na... concern ko rin sila kasi ako ang panganay...

From electronics to sick patients… heheheh yan ang adventure ng career ko… sa tototo lang, ala akong actual na care-giving experience… 

Pero maganda ang training ko sa De los Santos, kaya  I am confident that kayang-kaya kung buhatin ang pasyente ko…hehehe.. mga baby pa aktwali ang aking clients dito sa Toronto... isang four-year-old at isang one-year-old plus... kayang kaya for my first job.

Stay-in ako dito – 10-hour job, two-hour  OT…Monday to Friday duty .. tapos day off two days… plenty time to lamierda at labada …oh bi bah!

Tapos yong grocery ko – on the house… say ng employer ko (Canadian of course): Basta ilista mo yong gusto mong tsibug at mga burloloy sa pagluluto mo… buy ko…

Alam mo … hanep ang accommodation ko… parang hotel room ang kwarto ko ... tipong mami miss ko’to pag-nagholiday ako sa Larap… anyway… after three years pa’yan… plenty time to makaipon…

Baka makapag-donate din ako para sa pagpapagawa ng kalsada naming sa Larap … he baka lang naman…pero malay mo?

Alam mo nung nasa Hong Kong ako last week, on my way to Canada… hay… home alone akong talaga … at niyerbyos na nyerbyos kasi ako lang ang nagbyahe  first time ko dito sa Hong Kong… buti, mababait ang mga Pinay na nakilala ko duon….

They helped buy my tiket para sa flight ko for Canada, tapos inihanap din ako ng overnight room… pero di naman ako natulog kasi after a few hours, flight ko na agad. Mahirap matulog pag ang mata mo ay nakatutok sa Canadian dollars!
Sometimes, akala mo okay na sayo ang ‘yong present job… ganoon ang feeling ko… baka akala mo ... nine years din akong nagbebenta ng lote at bahay sa Fil-Invest Land… enjoy doon kasi dami happening…barkada, party … pero … it would only take one little thing to get you change your mind – alam mo kung ano yon…? ’yong future mo .. kasi hindi ka naman bumabata .. lumilipas ang mga opportunity .. pag di mo sinunggaban yon... baka maubusan ka kasi everybody is trying to grab one for her or himself ... kaya, heto… lagari ako Taiwan at Canada… heheh… pero pag ganito ang lalagare-in mo eh, ikaw na ang magsasabing: itodo mo pa, para solid…

Talagang like ko dito… me snow… sa Taiwan, kita mo lang ang snow sa bundok…at saka sabi dito, after two years pwede ka nang mag-apply for permanent residency...pag ganyan, ang laki talaga ng opportunity para umunlad ..  galingan mo lang para magtagal ka nang more than two years... hehehe

Kaya lang, after two years baka tumaba ako … sarap kumain dito ...masisira ang byuti ko dito… kasi marami akong nakitang mga Pinay… heheh para silang mga modelo ng Tatlong Bilog beer ...

Ayoko ngang matulad sa kanila… kaya kahit libre ang food ko… stay fit pa rin ako… fruits… fresh milk ... konteng chocolate…konteng takbo sa tapat ng bahay …oww…. di ba?



2 comments:

  1. nice one leilani! i can see in my crystal ball your bright future in your new home! :-) canada is d best talaga esp. when u start at a young age.

    ReplyDelete
  2. Naalala ko tuloy ang sabi ni Apeng Daldal(+) noong nabubuhay pa(hindi ko xa kaedad pero mas bata naman si Alfred) "Para malayo marating mo.. MAGLAYAS KA!!".. Ayan ginawa tuloy ni Lanie.. hehe @least me snow naman pala!!
    Nakakalungkot din na isiping.. para umasenso at makatulong ka sa pamilya ay.. magtrabaho ka sa malayong lugar na hiwalay sa kanila na siyang nakasanayan na ng ating mga kababayan.. grabeng sakripisyo!! pero ika nga, pwede namang umasenso dito sa Pinas, basta tamang diskarte lang. (btw, Lanie's mother, Elsie is my JPNHS'76 batch mate)

    ReplyDelete