Paraisong
Mambulao ... ang bayan kong kinagisnan
By ALFREDO P
HERNANDEZ
I
NOON ... sa
bayan kong kinagisnan -- ang paraisong Mambulao, kapatid ng bundok, kakambal ng
dagat,
Ang isda
rito'y masigla, malago ang bakawan, madilim ang gubat;
Ang bukirin
dito'y malusog, sa ginto ay sagana at ang bakal ay kay tigas,
Dito'y may
isang ilog na kung minsa'y nanghahatak kapag ikaw ay nasilat!
II
Ang dagat
naming kulay-verde ay maamo sa bugitis, malambing sa isdang masipag na
manganak,
Ang hangin
dito'y may tulak at laging naghihintay ng bangkang maglalayag;
Sa dulo ng
baybayin ay naghahabulan at nagsisigawan ang mga batang walang saplot;
Samantala, sa
munting bahay-pawid ay may isang matandang naminingwit ng antok.
III
Sa bukid na
nililinang, malawak ang palayang namimintog ang butil,
Ang batis
dito'y malinaw, may awit ang pag-agos na para bang nang-aaliw;
Sa mga
luntiang puno, malaya ang ibon sa kanilang pag-awit at pag-igkas sa sanga,
Sa silong ng
bahay-pawid, ang inahin sa pugad ay naghihintay ng sisiw -- at ang dasal ay
mapisa.
IV
Sa paghatak ng
lambat na ngayo'y nililindol ng mga galunggong at makinang na sapsap,
Kanya nang
nakikita ang nakabiting ngiti ng asawa't bunso sa nakahapay na dampa;
Pagsabog ng
araw, ang masaganang huli ay biglang sasambulat na malaking balita,
Sa pamilihang
bayan, magdiriwang ang lahat -- ang mga tindera at mga mag-iisda.
V
Kahit noon pa
man, ang trahedya ng ginto ay malungkot na awit at madilim na alamat,
Di dapat
ipagtaka kung ang mga gahamanng naghahanap ng yaman ay dito napadpad;
Ang kwento'y
nagsimula sa isang munting hukay at sa isang gintong butil na nagpatulo ng
laway,
Hanggang
lumawak pa at patuloy na lumalim ang balong lumamon sa maraming buhay!
VI
Ngayon ... ang
bayan kong kinagisnan ay munting paraisong biglang inagawan ng makatas na
mansanas!
Ang mga
tampalasan ay hindi mapalayas, at lalo pang dumarami habang nakangisi ang
bantay na ahas!
Dito sa bayan
ko ang maraming bulsa ay kumakalansing sa gintong pinagb'wisan ng nawasak na
paligid,
Sa lupa kong
kinagisnan ... ang dagat ay nagpuputik ... ang bukid ay natutuyot ... ang
bundok ay natitibag … ang isip ay nagluluksa!
Sa bayan kong
aping-api, meron pa bang magagawa? Sa puso ko’y may munting tinig: Parang wala
na nga ... parang wala na nga ...!
Port Moresby,
Papua New
Guinea
July 12, 2013
:-(
ReplyDelete